Ang buhay ay patuloy sa pag ikot at pag tuklas ng maraming kaalaman,Ang isang batang walang malay sa mundo ay dadaan sa proseso ng paghakbang at pagtuklas sa mundong walang kasiguraduhan.
Isa sa hindi ko makakalimutang karanasan sa aking buhay ay ang hayskul, apat na taong punung- puno ng ibat- ibang pangyayaring lumikha ng mga daan at pananaw sa akin. Parang kailan lang noong nag enroll ako ng 1st year sa mataas na paaralan ng sta. elena, wala akong ideya sa kung anong naghihintay sa bagong buhay na haharapin ko, malungkot ako noon at naninibago sa environment ng paaralan, ngunit paglipas ng ilang buwan nakasanayan ko na ang sistema at kalakaran ng paaralan, naging kaibigan ko na rin ang aking mga kamag-aral.
Sa una at pangalawang taon ko sa hayskul, naging sersoso at masipag ako sa aking pag- aaral, katunayan kasama ako sa top ten kada grading period sa aming klase, tuwang tuwa ang mama ko sa mga parangal na nakukuha ko sa aking mga guro at hanngan ngyaon itinatago nya pa ang mga certificate at awards na nakuha ko noon. Pag sapit naman ng ikatlong taon naging mas makulay at exciting ang buhay hayskul ko. nakakatawang isipin ang mga pagbabagong naganap sa akin. nakilala ko ang bestfriends ko noon, maganda at masipag silang mag aral. pero sa hindi ko maintindihang bagay hindi ako naging masipag noon sa pag aaral, hindi naman ako nagpabaya nasa "average nga lang" dahil sa madaming group activities na kailangang gawin noon, hindi dahil sa kagustuhan ko kundi dahil no choice, at requirements o di naman kaya project ang na may katumbas na grade noon napilitan akong maki-isa sa marami kong classmate na nagpalawak ng aking social life, third year siguro ang pinaka easy sa lahat, marahil ito ang panahon kung saan narelax ako, kasama ang aking mga kaibigan.
Pagkatapos ng ilang buwang bakasyon, 4th year na ko, ang huling taon ko sa hayskul. 1st day ng klsae noon, marami kaming mga dating mag classmate kaya kaswal lang ang aking pakiramdam. nagpakilala ang aming adviser na si Mrs. Tolentino at sinundan naming mga mag-aaral. alphabetical arrange ang aming naging seating arrangement. Si Trisha ang aking naging seatmate , sya ay parang anhel sa kabaitan, lagi syang handang tumulong at magbigay payo sa lahat. naging seatmate ko sya mula 1st hanggang 3rd grading period kaya naman naging close kami.
4th year din nang una kong makaramdam ng kapighatian dahil bumagsak ako sa math. Marami naman kaming bagsak pero ang lungkot ko talaga noon, feeling ko nga end of the world na, hindi lang siguro halata sakin dahil lagi naman akong natatawa dahil lagi akong kinukulit ng aking math teacher, hindi ko maintindihan kung bakit lagi nya kong pinagtritripan noo siguro dahil naging consistent ako sa 1st row sa subject nya, arrange kasi yun by grade.
2nd grading, I was so upset na ospital ako, ilang linngo kong absent, problemado talaga ko dahil pasahan na ng mga projects at examination na din. Sa gitna nang kawalan si jannelyn at marian ang tumulong sa akin, halos sila ang gumawa ng lahat ng projects ko, naaalala ko pa sabi sakin nun ni jannelyn "number 5 na ko sa project mo igagraph ko na. ok lang to, pagaling ka, namimis ka na namin. emosyonal ako nang mga oras na yun at hindi ko yun malilimutan.
After time, pumasok na ko mainit ang pagtanggap sa akin ng mga classmate at teachers ko. Back to normal ang buhay estudyante ko, nakapagexam na rin ako sa mga subjects na hindi ko naeksaman pwera math, natatakot kasi ko nung mag exam dahil baka bumagsak nanaman ako. salamat kay mam lomibao nagpagawa nalang sya ng tatlong project .. salamat din kay jannelyn at tophy ginawa nila ko ng video ang una kong project. tapos yung 2 mga pinsan ko na gumawa.During those days narealized kong swerte din pala ko, hindi ko lang narerealize at naapriciate.
Sa isang pagkakataon napili ako sa labingdalawang magaaral na umatend sa seminar kasama ang iba ko pang classmate na sila miyu, cely, tophy, grace, harold, ceazar, camille, norsan bryan at syempre pa sila marian at jannelyn kasama ang aming TLE teacher na si Mrs. teodoro.Isang buong araw iyon ng bonding moments para sa amin at doon nagsimula na maging ka close ko sila cely at miyu.